Bersyong Orihinal: W3C
Orihinal
Mayakda/Translator: Gigi
Silerio
Ang original na texto ay kinupkop ng internasyonal na copyright. Pakituon ng pansin ang original na reperensya mula sa mga hyperlinks para sa mas malalim na pagkaunawa. "This translated text may contain conversion errors. Please refer to the original document at WC3 for normative version."
Pamamahala ng mga URI
Paglipat at Pagpalit ng Pangalan ng mga Inpormasyon mula sa Web
Ayon sa panaliwanag na makikita sa "Piliing
Mabuti Ang Mga URI", maige, mas makakatulong at pakipakinabang kung magiging maingat sa
pag-publish ng mga bagong pagkukunang impormasyon sa internet. Lalo na yung merong kinalaman sa
mga lokasyon at pangalan na gagamitin para sa mga impormasyong ito.
Subalit, sa dahilang maraming pagkakataon na kinakailangang ilipat ng lokasyon o dili kaya’t
magpalit ng pangalan ang isang web resource , ang babala ukol sa pagpapalit ng lokasyon o pangalan
ay hindi isang hadlang para tuluyan ng hindi gawin ito.
Kinakailangan lang na maayos at tama ang pagsagawa ng operasyong ito. Dahil kung
hindi, kung mali at hindi matuwid ang paglipat o ang pagpalit ng pangalan ng isang web resource,
malamang mapuputol ang mga hyperlinks na nag-uugnay sa iba pang mga web resources. Sanhi
nito, magiging walang kwenta ang mga bookmark na ginawa at malilito ang mga search engines at
caches. Sa madaling salita, kapag nangyari ito, maitataboy at malamang mawawala ang traffic na
dumadaan sa web resource.
Merong isang paraan ng paglipat ng lokasyon at pagpalit ng pangalan ng isang web resource na
hindi mapuputol ang mga hyperlinks o mawawala
ang traffic. Simple lang ang solusyon dito, gumamit ng isang pangkaraniwang HTTP
redirect na magtuturo o magdadala sa mga gumagamit sa
bagong lokasyon o bagong pangalan ng dating web resource. Maaaring gumamit ng temporary redirects,
permanent redirects o dili kaya’t isang paraan na nagsasabi na ang isang web resource ay hindi lang
ginalaw o nawala ngunit ito ay sadyang inalis na. Makikita sa susunod na pagtatalakay sa ibaba kung
papaano ito ginagawa.d
Paano Tanggalin ang mga Web Resources
Kahit na para sa karamihan ang Internet ay isang lugar o imbakan para habambuhay na itago ang
isang web resource; hindi nangangahulugang hindi na maaalis kelanman ang isang bagay na naipublisa
na sa internet. Pero dapat pagkatandaan na kapag gusto mong alisin ang isang bagay na
naka-online na, kinakailangang mabigyan ang abiso ang mga mambabasa, caches at sino mang gumagamit na
ang isang web resource ay hindi lamang nawalang bigla ngunit ito’y kusang
inalis.
Ang tamang paraan para magawa ito ay ang pag configure ng web server na magpadala ng “410
Gone” na paunawa at hindi yung mas-kilala at mas ginagamit na “404 not found” na
babala. Makakapagbigay linaw ito sa mga gumagamit at nag-request ng web resources na inalis na.
Karagdagang Babasahin
- Orihinal na bersyon ng “Hindi Nagbabago ang mga Kool na URI” isinulat ni Tim Berners-Lee
- Ang Pag-unawa ng URI sa “karaniwang problema sa pagpapatupad ng HTTP”
- Piliing mabuti ang URI, ang katambal ng payong
ito, para hindi na kelanman kinakailangang
pangasiwaan ang URI - Ang ‘410 Gone’ HTTP estatus sa espesipikasyon ng HTTP
- Mas mahabang paliwanag ng “410 Gone” estatus
ni Mark Pilgrim (sinamahan ng mga halimbawang configurasyon para sa Apache Web server).
Patungkol sa mga “QA Tips”
Ang W3C QA tips ay mga maiikling dokumento
na nag papaliwanag ng mga pakipakinabang na mga bagay na mahalaga para sa mga developer o
desayner ng Web, ito ay ini-host at inilathalat ng Grupo na me Interes sa Quality Assurance at ng
W3C.
Kahit na maingat na sinuri ng mga kasali sa grupo ang mga tips at payo, ang mga ito ay hindi
dapat tingnan na higit npa sa isang impormasyon
na ibinahagi galing sa ng mga karunungan at kaalaman na nalikom. Ang mga ito ay hindi
estandard na espesipikasyong teknikal ng W3C.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga payo, paano mag-sumite ng sarili mong mga kaalaman, at para
hanapin ang iba pang QA Tips sa Tips Index.